Showing posts with label Xmas. Show all posts
Showing posts with label Xmas. Show all posts

Thursday, December 20, 2012

Paskong Materialismo by H.J.D. Alvarez


"Paskong Materialismo?"
Tulang mapuna ni H.J.D.Alvarez

Tila iba ang tuon
Lapastangan sa Poon
Kasakimang daluyong
Karnabal taon-taon?

Si Mamona ang reyna
Maharuyong diyosa
Habang si Tatay Abba
Madalas itsapwera!

Mga diyos sa Pasko:
Santa Claus at regalo,
Bunos at aginaldo --
Christmas parting maluho?

Pero pwede ba'ng Pasko --
Balat-kayong may Kristo?
Pagkat ang espiritu --
Diablong materialismo?!

Hindi naman masama
Magdulang at magsaya
Basta ang isadiwa:
Inkarnasyong Maylikha!

Shared with permission from H.J.D. Alvarez